Mag-sign In Magparehistro
time
Tagalog PH
Magparehistro
22Bet Responsableng Pagsusugal

22Bet Responsableng Pagsusugal

Patuloy ang kasiyahan sa 22Bet at alamin kung paano itinataguyod ng 22Bet ang responsableng paglalaro para sa lahat ng mga kliyente nito. Magparehistro

Masugid na sinusulong at pinagtrabahuhan ng mga propesyonal ng 22Bet ang pagiging maasahan, katiwa-tiwala, at ligtas na lugar kung saan pwede kang magsaya at panatiliing masaya ang paglalaro. Bagaman minsan, ang paglalaro sa online casino ay maaring magdulot ng problema. Upang tulungan ang bawat manlalaro sa Pilipinas na iwasan ang adiksyon sa pagsusugal at ang mga kalakip nitong problema, lumikha ang 22Bet ng sistema upang panatiliin at isulong ang responsableng pagsusugal.

Batay sa atas ng gobyerno at sa mga lokal na inisyatibo ng PAGCOR, hindi nagkukulang ang mga manlalaro sa Pilipinas ng tulong mula sa 22Bet Philippines tuwing kinakailangan nila ito, sapagka’t hitik ng impormasyon at feature ang 22Bet para sa responsableng pagsusugal at suporta ukol dito.

Responsableng Pagsusugal: Ano ang Kahulugan Nito?

Ang ibig sabihin ng responsableng pagsusugal ay ang pag-enjoy, pagpusta, at paglaro sa isang kontrolado, ligtas, at responsableng pamamaraan. Lahat ng manlalaro ay may limitasyon ukol sa budget na pwede nila ipanglaro, at gayundin sa enerhiyang emosyonal at sa oras na kanilang ginugugol sa paglalaro. Kaya mahalaga na batid sa bawat manlalaro ang pagkakaunawa ng odds, wastong pamamahala ng kapital na panglaro, at ang kaalaman kung kailangan dapat na huminto sa paglalaro at sa pag-iwas ng paghahabol ng talo.

Mga Indikasyon ng Problema (At Paano Ito Aksyunan)

Kung alam mo na sa simula pa lamang na magkakaroon ka ng mga problema sa pagsusugal o maypangamba ka na maaari kang malulong sa pagsusugal, maaari kang mag self-exclude mula sa paglalaro sa 22Bet.

Pwede mo itong i-activate sa pamamagitan ng pag-kontak sa aming Customer Service team sa pamamagitan ng pag-email sa support@22bet.com o di kaya sa pakikipag-sangguni sa kanila sa pamamagitan ng Live Chat.

Kung nababahala ka sa mahal mo sa buhay na maaaring malulong habang naglalaro, maaari mong kontakin ang aming Customer Service team para agad namin itong aksyunan. Maaabot ang aming Customer Service team 24/7/365 sa pamamagitan ng live chat o ng email.

Mahalaga rin ang pagsubaybay sa oras at sa pinangpupusta mong pera araw-araw. Kung hindi, marahil na magandang ideya ang paghanap ng tulong na propesyonal upang tratuhin ang mga isyu na hinaharap ng mga kompulsibong manunugal.

Paano Humingi ng Tulong?

Bukod sa self-exclusion at sa mga rekursong hatid ng 22Bet, pwede ring samantalahin ng mga manlalaro sa Pilipinas ang tulong mula sa PAGCOR. Ang PAGCOR ay naglilingkod sa pamamagitan ng Responsible Gaming Program nito, na nagbibigay ng mga kagamitang edukasyonal, tulong, at intervention tuwing kinakailangan.

Para humingi ng tulong sa PACOR, pwedeng tumawag ang PAGCOR Responsible Gaming Hotline sa (02) 8807-7537 o sa pag-email sa rg@pagcor.ph.

Para sa suportang emosyonal, pwedeng sumangguni sa mga sumusunod na organisasyon at institusyon:

  • National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline: 1553 (Luzon-wide), 0917-899-8727, or 0966-351-4518
  • Gamblers Anonymous International: gamblersanonymous.org
  • BeGambleAware (Pandaigdig): begambleaware.org