Walang mas tataas na layon para sa 22Bet Philippines liban sa seguridad at pribasiya ng datos ng bawat manlalaro. Ang layunin at pananagutan namin sa aming kliyente ukol sa pangangasiwa ng kanilang impormasyon ay nakahihigit sa lahat, at heto ang mga dahilan kung bakit.
Introduksyon
Ipinaliliwanag ng Patakaran sa Pribasiya na ito ang mga tuntunin, kondisyon, at responsibilidad ng 22Bet ukol sa kung paano kinokolekta, pinoproseso, iniimbak, at pinangangahalagahan ang datos ng bawat manlalaro tuwing ginagamit ang mga serbisyo nito katulad ng website, 22Bet app, at serbisyong kalakip ng pagpupusta at paglalaro ng mga casino games.
Layunin ng tekstong itong ibuod ang kabuuan ng mga patakaran ukol sa pangangasiwa at pagtrato ng datos ng manlalaro sa Pilipinas at sa buong mundo. Sa sandali ng pagpaparehistro ng account o paggamit ng anumang serbisyong hatid namin, sumang-ayon ka sa mga tuntuning inilalahad sa dokumentong ito.
Mga Datos na Kinokolekta Namin
Kinokolekta ng 22Bet ang mga datos kabilang ang:
- Datos ukol sa pagpaparehistro. Kabilang nito ang pangalan, petsa ng kapanganakan, mobile number, email, at ang tirahan mo.
- Impormasyon mula sa mga dokumento ng pagkakakilanlan. Kabilang nito ang mga dokumento ng pagkakakilanlan para sa beripikasyon at mga dokumentong kailangan para sa KYC.
- Impormasyon ukol sa account at sa paggamit ng serbisyo. Datos ukol sa kasaysayan ng transaksyon, paboritong laro, at aktibidad sa pag-login.
- Datos pinansyal. Datos ukol sa pagbayad tulad ng deposito at withdrawal bagaman hindi nito saklaw ang mga sensitibong impormasyon ukol sa pamamaraan ng pagbayad.
- Datos ukol sa paggamit ng website. Mga detalye ukol sa cookies, mga IP address, oras ng bisita, modelo ng device, uri ng browser, at datos ukol sa kinaroroonan.
Kinokolekta namin ang impormasyong ito sa layunin lamang na mamahagi ng aming mga serbisyo, sawatain ang pandaraya, at tumalima sa mga pambansa at pandaigdig na regulasyon.
Paano Tinatrato ang Iyong Datos?
Ginagamit namin ang datos mo para pangasiwaan ang aming plataporma sa responsableng paraan. Heto ang mga layunin namin sa paggamit ng iyong impormasyon:
- Paglikha at pamamahala ng account.
- Pagproseso ng mga pagbayad kagaya ng deposito, withdrawal, at 22Bet bonus.
- Pag-verify ng iyong pagkakakilanlan para sa seguridad ayon sa regulasyon.
- Pag-iwas sa pandaraya, kahina-hinalang aktibidad, at hindi-wastong paggamit ng mga menor de edad.
- Pagpapabuti ng aming website at karanasan.
- Pamamahagi ng serbisyong pangkliyente.
Hinding-hindi ibebenta o ipapamahagi ng 22Bet ang iyong datos sa mga ikatlong partido.
Impormasyon Ukol sa Cookies
Maari kaming mag-imbak ng mga maliliit na file sa iyong device sa bawat paggamit mo ng 22Bet website na kung tawagin ay cookie. Kinabibilangan nito ang cookies at flash cookies. Ginagamit ang mga ito upang pasadyain ang iyong karanasan sa aming website batay sa iyong kagustuhan, aktibidad, at pagkilos.
Ano ang cookies at para saan ang mga ito?
Heto ang mga pangunahing gawain ng mga cookies:
- Gabayan ang wastong pagkilos at pamamahala ng site.
- Tandaan ang datos kaugnay sa pag-login at sa wika.
- Sundan ang aktibidad at performance ng site.
- Pasadyain ang nilalaman at promo ng site.
- Magpakita ng mga patalastas na angkop sa bawat manlalaro.
Pamamahala ng settings ng cookies
Ang mga sumusunod na hakbang ang mga pamamaraan kung paano mo pamahalaan ang iyong cookie settings. Pwede mong:
- Pahintulutan ang lahat ng cookies.
- Ipagbawal ang lahat ng cookies.
- Burahin ang cookies.
- Pagbawalin ang cookies mula sa mga ikatlong partido.
- Paandarin ang pribadong browsing.
- Mag-install ng mga add-on sa browser upang pangasiwaan ang cookies at ang mga aktibidad ng mga ito.
Maaaring hindi gumana ng mabuti ang ilan sa mga feature ng 22Bet website kapag nagpasya kang i-disable ang cookies. Kabilang dito ang pag-alala sa iyong kagustuhan ukol sa wika at sa pag-save ng iyong session tuwing ginagamit ang website.
Batayang Ligal tungkol sa Pagproseso ng Datos
Pinoproseso ng 22Bet ang datos ukol sa mga sumusunod na pamantayan:
- Iyong pahintulot (hal., sa marketing).
- Mga obligasyong ligal at kaugnay sa batas at regulasyon.
- Mga pangangailangan ng mga serbisyo (hal., paggawa ng account, pagproseso ng deposito at withdrawal).
- Mga lehitimong interes (hal., seguridad, pagpapaganda ng karanasan).
Pagpapamahagi ng Impormasyon
Maari naming impamahagi ang limitadong impormasyon sa mga ikatlong partidong subok at pinagkakatiwalaan kabilang ang:
- Mga tagapagproseso ng pagbayad.
- Mga serbisyo ng beripikasyon ng pagkakakilanlan.
- Mga otoridad na may kaugnayan sa regulasyon ng mga serbisyong pagsugal.
- Mga serbisyo laban sa pandaraya.
- Mga marketing agency batay sa iyong pahintulot.
Hindi namin kailanman ibebenta o ipamamahagi ang iyong datos para sa mga komersyal o walang kaugnay na layunin liban sa mga nabanggit sa itaas. Lahat ng ikatlong partido na katrabaho namin ay masugid na tumatalima sa atas at pamantayan ng pribasiya at proteksyon ng datos.
Pag-Imbak at Seguridad ng Impormasyon mo sa 22Bet
Tinitiyak ng mga sistemang panseguridad ng 22Bet ang kaligtasan ng iyong dados.
Mga Karapatan Bilang Kliyenteng Residente sa Pilipinas
Alinsunod sa mga regulasyon at batas sa kinalalagyan mong ligal na hurisdiksyon, maari kang pagkalooban ng karapatan sa sumusunod:
- Bigyang-access ang iyong personal na datos.
- Humiling ng koreksyon sa iyong datos.
- Humiling ng pagbura ng datos na hindi na kailangan.
- Bawiin ang pahintulot sa marketing.
- Pagbawalin ang pagproseso sa mga partikular na kaso.
- Humiling ng kopya ng iyong datos.
Pwede mong i-exercise ang iyong karapatan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa aming customer support team.
Responsableng Paglalaro at Patakaran Ukol sa Edad
Mahigpit na ipinagbabawal ng 22Bet magparehistro o maglaro ang sinuman sa ilalim ng 18 anyos. Ito ang dahilan kung bakit namin tinitiyak ang edad at pagkakakilanlan ng lahat ng manlalaro sa pamamagitan ng mga opisyal na dokumento. Tumatalima kami sa mga tuntunin ng responsableng paglalaro at sa pag-endorso sa mga organisasyong kasanib-pwersa ng PAGCOR.
Paano Makipag-ugnayan Sa Amin
Para sa anumang katanungan ukol sa patakaran ng pribasiya, makipag-ugnayan lamang sa mga sumusunod na kontakto:
- Email (Global Privacy Officer): policy@22bet.com
- Security Department: security@22bet.com
- Customer Support: support-en@22bet.com
Lubos na sumasang-ayon ka sa mga aksyon at tuntuning nilalaman ng Patakaran ng Pribasiya na ito sa paggamit mo ng 22Bet Philippines website at mobile app.
Mag-sign In Magparehistro
