Mahalagang konsiderasyon para sa bawat manlalaro ang mga pamamaraan ng pagbayad na umiiral sa isang online casino at sportsbook bago nila ito piliin. Isa itong pamantayan na nagdidkta sa tagumpay o pagkabigo ng isang plataporma. Ito rin ang dahilan kung bakit ang 22Bet Philippines ay naghahatid ng samu’t-saring opsyong magdeposito at magwithdraw sa pamamagitan ng card, e-wallet, bank transfers, crypto, at iba pang mga pamamaraan ng pagbayad na angkop at ligtas para sa mga manlalaro sa Pilipinas.
Sa gayon, makatitiyak ang bawat manlalaro sa Pilipinas ang seguridad at katiwasayan ng kanilang mga bayarin sa 22Bet, mapadeposito man o mapawithdrawal ang iyong transaksyon mo. Mabilis din ang pagproseso ng bawat transaksyon, na siyang nagpapaginhawa at nagpapaganda sa karanasan ng bawat manlalaro sa 22Bet. Gayundin, pinahihintulutan nito ang bawat manlalaro ang kaginhawaan ng isip na ligtas lagi ang kanilang pondo sa halip na mag-alala sa estado ng kanilang mga transaksyon.
Mga Suportadong Pamamaraan ng Pagdeposito sa 22Bet
Heto ang mga kasalukuyang umiiral na pamamaraan ng pagdeposito.
Credit at Debit Card
Ikatutuwa ng maraming manlalaro sa Pilipinas na lubos na sinusuportahan ng 22Bet ang MasterCard at Visa. Makatitiyak ang mga gumagamit ng mga credit at debit card na mga ito na mabilis at ligtas na mga transaksyon na agaran ding lilitaw sa balanse ng iyong account. Hindi magiging hadlang ang anumang pagka-antala sa pamamagitan ng pamamaraan ng pagdeposito nito, sapaka’t instante ang transaksyon dito. Wala nang patumpik-tumpik pa – kundi tuloy lang ang aksyon at ligaya sa pamamagitan nitong pamamaraan ng pagbayad na ito.
E-Wallet
Gayundin, mabilis din ang pagkaproseso sa mga transaksyong gumagamit ng e-wallet gaya ng Skrill, Neteller, PayPal, EcoPayz, Apple Pay, at Click2Pay. Mas mataas din ang antas ng seguridad at pagkapribado nito kumpara sa card, sapagka’t nakabukod ang datos ng iyong card mula sa account mo sa 22Bet.
Bank Transfer
Pinakamainam ang bank transfer para sa mga manlalarong hindi nais gamitin ang kanilang card o hindi sanay gumamit ng e-wallet at crypto para pondohan ang kanilang account. Samakatuwid, pinakamaganda ito para sa mga manlalarong mas kampante sa tradisyonal na pamamaraan ng pagbabangko. Bagaman maaring abutin ng iilang araw bago makumpleto ang mga deposito sa pamamagitan ng bank transfer, mas ligtas ito para sa malalaking transaksyon, at may karagdagang seguridad ito dahil dumadaan ito sa mismong bangko.
Crypto
Para sa mga bihasa sa teknolohiya na mananaya na nais ng mabilis at pribadong transaksyon, eto ang perpektong pamamaraan ng pagdeposito sapagka’t sinusuportahan ng 22Bet ang mga crypto katulad ng Bitcoin, Ethereum, Litecoin, Ripple (XRP), at USDT, bukod sa iba pang madalas gamiting cryptocurrency.
Iba Pang Suportadong Pamamaraan ng Pagdeposito sa 22Bet
Marami pang ibang suportadong pamamaraan ng pagbayad kagaya ng mga prepaid cards tulad ng Paysafecard para sa mga bansang sinusupotahan ito para sa mga manlalarong nais tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng kanilang datos.
Gabay sa Pagdeposito sa 22Bet
Simpleng-simple ang proseso ng pagdeposito sa 22Bet. Sundan lamang ang mga hakbang sa ibaba:
- Magtungo sa 22Bet website gamit ang desktop browser o mobile browser; pwede ring buksan ang mobile app para sa Android o iOS.
- Gumawa ng account (kung wala pa nito) o mag-login.
- Magtungo sa “Deposit” at piliin ang nais mong gamitin na pamamaraan ng pagdeposito.
- Ilagay ang halagang nais mo ideposito.
- Kumpirmahin ang pagbayad at hintaying mai-credit ang deposito sa iyong balanse depende sa ginamit mong pamamaraan ng pagdeposito.
Mga Deposit Limit
Gayundin, mahalagang unawain ang mga patakaran patungkol sa minimum na deposito sa 22Bet. Una sa lahat, mababa lamang ang minimum na deposito sa 22Bet upang tangkilikin ang lahat ng uri ng manlalaro sa inklusibong pamamaraan (PHP50). Ang kagandahan sa 22Bet ay wala itong limitasyon sa maximum na deposito, kaya lahat ng uri ng manlalaro ay welcome na welcome maglaro dito, mapa-high roller man o hindi.
Mga Suportadong Pamamaraan ng Pagwithdraw
Gayundin, lahat ng pamamaraan ng withdrawal ay kahalintulad ng mga umiiral para sa pagdeposito kung saan pwedeng samantalahin ng mga manlalaro sa Pilipinas ang e-wallet, bank transfer, at crypto bilang ilan sa mga pinakamadalas gamitin ng mga manlalaro sa bansa. Maaaring kailanganin ng ilang manlalaro na gamitin kahalintulad na paraan na ginamit sa deposito bilang gayundin sa pagwithdraw. Sa pangkalahatan, ang e-wallet at crypto ang kadalasang ginagamit ng mga manlalaro sa Pilipinas sapagka’t ito ang mga pinakamabilis at maginhawang paraang makapagwithdraw sa agarang pamamaraan.
Gabay sa Pagwithdraw sa 22Bet
Simpleng-simple lang din ang pagwtihdraw ng iyong mga napanalunan sa 22Bet. Sundan lamang itong mga hakbang na sumusunod:
- Mag-login sa 22Bet account gamit ang desktop website, mobile website, o 22Bet app.
- Pumunta sa “Withdraw” at piliin ang iyong nais na gamiting withdrawal method.
- Ilagay ang halaga na nais mong i-withdraw.
- Kumpirmahin ang iyong withdrawal at hintayin makumpleto ang pagproseso ng pagbayad nito.
Alalahanin na dapat verified ang iyong account upang tiyakin na walang pagkaantala sa iyong withdrawal dahil sa kakulangan ng beripikasyon o anumang dokumento sa pagkakakilanlan.
Mga Withdrawal Limit
Gaya ng mga deposito, meron ding mga limitasyon sa pag-withdraw sa 22Bet na dapat alalahanin. Karaniwan, ang pinakamabilis na pamamaraan ng pagwithdraw ay ang credit/debit card, e-wallet at crypto, at ang minimum na withdrawal limit ay nakabatay sa napiling pamamaraan ng withdrawal.
Mga Pinakamadalas na Katanungan
Paano magdeposito sa 22Bet?
Meron bang mga bayarin na dapat kong alamin kapag nagdedeposito?
Mag-sign In Magparehistro
